Para sa iyo ito.
| 1. Bumil ng hotdog sandwich sa 711 sa kanto ng P. Campa at Espana Boulevard. Ipasok sa bag para maipit. |
| 2. Itabi ang ketchup. Suriin kung plastic ay pula. Kung hindi red, bumalik sa 711 at ipagpalit. |
| 3. Kainin ang hotdog na nayupi sa loob ng bag. Namnamin ang kakaibang sarap. |
| 4. Buksan ang LG KM555e at makinig sa kanta ni Mandy Moore na pinamagatang Candy. Pagmasdan ang ketchup. Titigan ng 5 minuto. Pagmasdan ang mga litrato ng mahal mo. Mahal mo na din ba ang ketchup? Hindi mo ba naisip na ang kethup ay punong puno ng vitamins at minerals na kailangan mo sa pang-araw araw na trabaho? |
| 5. Punitin at siguruhing may lalabas na ketchup. Ingatang huwag matapon. Iyong tandaan 25 pesos ang hotdog sa 711. Mahaba pa ang pila dahil tanghali mo binili. |
| 6. Iguhit ang hugis puso. Para maipakita mo ang iyong pagmamahal. Sa bansa, sa kababayan, sa bayan at siyempre sa taong minamahal mo. Ang taong mahal mo'y mahal ka din ba? Kung oo, maswerte ka. Kung hindi, puwede ka ng magpasagasa sa pison. |
| 7. Dutdutin ang hugis puso. Sige lang dutdot pa. Tikman. Matamis ba? Hindi? Maasim? Hindi din? Congrats! Ketchup yan. Yahoo! |
| 8. Isulat ang initial ng mahal. Pagmasdan ang kanyang litrato. Pagmasdan din ang tarpaulin na pinagawa sa Gastambide. Punung puno ka na ng pagmamahal. Tama ka, lahat ng gagawin mo sa araw na ito mabubuhusan mo ng pagmamahal. Sigurado ako mapagkakamalan kang baliw dahil hindi mapawi ang ngiti sa mukha mo. |
| 9. Ibuhos ang natirang ketchup sa hugis puso. Isilbi sa mahal. Sigurado ako siya'y mapapangiti at..... |
Mahal kita. Gusto ko sanang maenjoy ang buhay ko na kasama ka.
0 comments:
Post a Comment