Rekado
Diabet
kamatis
sibuyas
bawang
mantikang binili sa talipapa
tubig
Direksyon
1. Uminom ng Diabet.
2. Initin ang kawali. Hintaying matuyo ang tubig na bakas ng pinaghugasan kagabi.
3. Ilagay ang mantikang binili sa talipapa. Hintaying umusok.
4. Ah ang init.
5. Ihulog ang bawang at sibuyas.
6. Hintaying lumaylay ang sibuyas.
7. Medyo matagal kasi mahina ang apoy dahil papaubos na ang LPG.
8. Matagal talaga kaya hanapin mo muna ang tae ng daga sa litrato. Clue: Hanapin ang itim sa kaliwang parte sa pinakababa ng litrato.
9. Congrats nahanap mo. Siguradong mainam na ang sibuyas at bawang kaya ihulog ang kamatis.
10. Umuusok! Umuusok! Ulap ba iyan? Subukang singhutin.
11. Lagyan ng isang tasa ng tubig.
12. Umuusok pa rin. Hintaying maluto.
13. Ilagay sa mangkok na kulay pink.
14. Isilbi at ngumiti.